top of page
Search
  • Writer's pictureSeph Dolido

MAG-INGAT SA SCAM SITES

Updated: Aug 19, 2018

Masarap nga naman talaga makatanggap ng quick cash, pero ang tanong? Gaano ka nakasisiguro na legit ang mga website na pagkukunan mo? Sa blog na ito ay ishi-share ko sa inyo ang isang video tungkol sa isang SCAM SITE. Ito ay ang PartTimeJob (http://parttimejob.online/, narito ang link pero wag na subuking puntahan/i-click).


Ang video na ito ay mula sa isang sikat na Online Entrepreneur/Freelancer na si James Tristan Ruiz. Panoorin at unawaing mabuti ang video. https://youtu.be/L4q8dc53b48

Paano natin malalaman na SCAM SITE ang isang website?

(Ibinuod mula sa video)


1. Tignan ang address bar ng inyong browser (niri-recommend ko na sa PC niyo ito sundan). Kapag ang isang website ay kilala, kadalasan sa unahan ng web address ay mayroong naka-sulat na "SECURE" o "HTTPS". Kapag ang isang website ay nag-o-offer na mag-Sign Up or mag-Log In ka, ngunit ang website ay wala nito, mabuting wag na ituloy pa ang pag Sign Up/Log In.


2. Maaring mayroong kang makikitang websites na kung saan pareho halos lahat ng detalye ng mga website, kagaya ng pictures, links, texts (na kadalasan ini-edit lang), at worst yung fonts, maiging wag na ito pasukin.


3. Tignan ang pagkakagawa ng website. Basahin ng maagi ang mga nakasulat. Parang minadali, minsan ay wrong grammar pa. Mas magandang i-double check ang contents ng website. Ayon din kay James Tristan, basahing maigi ang FAQs (Frequently Asked Questions). Kadalasan sa mga FAQs ay patungkol sa company o sa kanilang mga mission/vision ang mga nakasulat dito. Pero sa mga scam site, kadalasan ay direct sa kung papano ka kikita ang content ng kanilang FAQs.


4. Mas maiging mag-research ka muna ng REVIEWS ng mga website bago ito pasukin.


Mga Risk kapag nag-register sa mga SCAM SITES!

Maari nilang gamitin ang mga information na ilalagay mo sa kanilang page, gaya ng User Name, Password, Email Address. Sa User name at Password, maari nila itong gamitin upang magbakasakaling makapag-Log in sa ibang website gaya ng Facebook (kadalasan kasi sa Pinoy ay pare-pareho ang ginagamit nilang mga User Name at Passwords sa lahat ng websites). Sa Email Address naman ay maari nila itong ibigay sa ibang scammer para mag-send sa'yo ng mga SCAM SITES na maari ka nila ulit biktimahin. O di kaya'y magbabakasakaling magamit nila ito upang mag-Log in parin sa ibang websites gaya ng Paypal.



Kung nagustuhan niyo i-bookmark na ang Blog na ito at maging updated sa mga bagong tutorials.


Karagdagang video about scam site: https://youtu.be/ZRFblx9bG_8


James Tristan Ruiz's Socials:

YouTube - https://www.youtube.com/channel/UCVA65K3fIFdKuJ9Z8q7lb3A

Facebook - https://www.facebook.com/JamesTristanRuiz08/


Follow me on my Socials:

Facebook - https://www.facebook.com/dlancejobs

Instagram - https://www.instagram.com/dlancejobs

40 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page